Ang “Koronang Tinik”
Ang sigalot na nagaganap sa bayan, kung saan ang hidwaan sa pagitan ng Punong Mahistradong ng Korte Suprema na si Renato Corona, kilalang kaalyado at isang malapit na tao sa buhay ni Gloria Macapagal – Arroyo at sa kasalukuyang pamahalaan ni Simeon Benigno Aquino III, ay isa sa mga maiinit na paksa na sinusubaybayan ng mga Pilipino sa buong mundo.
Saganang akin, ang pagtanggap ni Corona bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa pamamagitan ng isang kadudadudang pamamaraan na walang habas na niluklok ni Gloria kahit na ito ay labag sa batas. Batid ni Gloria na sa pagluluklok kay Corona bilang Pinunong Mahistrado ay may katiyakan na siya ang kakampihan ng Korte Suprema dahil ang karamihan sa mga ito ay kanyang tinalaga nuong siya ay Pangulo pa ng bansa.
At tulad ng inaasahan ng lahat, ang pag-upo ni Corona ay binatikos ng sambayanang Pilipino pati na din ng ibang mga mamamahayag. Subalit si Corona ay nagkibit balikat lamang, animo’y balewala sa kanya ang naturang pangbabatikos. Subalit tulad ng tinik na tumibo sa paa ng isang tao, kalaunan ang pambabatikos sa kanya ay kanya na ding ininda. Pinakita niya ang kanyang pagkadismaya sa mga taga-media sa punto na halos maging balat sibuyas siya. Bawat kibot o batikos na kanyang naririnig ay kanyang pinapatulan o kung hindi naman ay dinadamdam.
Sa lahat ng mga kaguluhan, pambabatikos at pagdududa kay Corona sa kanyang katapatan sa bayan at pagtupad ng patas na pagpapasiya sa kaso ni Gloria at ng kanyang mga galamay na ngayon ay inuusig ng batas at sinisingil ng bayan, walang dapat sisihin kung hindi si Corona mismo, at hindi ang taong bayan na tumutuligsa sa kanya.
Unang-una, batid niya na ang kanyang pagtanggap sa katungkulan ay maghahasik ng pag-aalinlangan, kaguluhan at hindi pagsang-ayon dito. Subalit si Corona mismo ang umamin sa harap ng mga mamahayag na matagal na niyang pinapangarap makamtan ang maging isang ganap na Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Sa ganitong pag-amin, masasabi nating nanaig kay Corona ang kasakiman sa kapangyarihan at naghari ang kanyang ambisyon kaysa ang prinsipyo. Kung susuriin, mayroon siyang pagpipilian, ang tanggapin ang posisyon na may kaakibat na pagdududa, batikos at kawalan ng galang sa kanya bilang Punong Mahistrado, o kaya’y ipagsawalang bahala ito para lamang makamtan niya ang kanyang ambisyon.
Sa pagwawakas ng ating buhay at sa paglisan sa mundong ito, tayo ay hinuhusgahan hindi sa antas ng ating buhay kung hindi sa uri ng buhay na ating ginawa sa kapwa, sa bayan at iba pa. Ngunit tila hindi ito alintana ni Corona. Para sa kanya, ang mahalaga ay ang kanyang sariling ambisyon at ang maibalik ang utang na loob na ito sa taong nagluklok sa kanya.
Ngayong nalalapit na ang kanyang paglilitis, may panahon pa si Corona na magbulay-bulay upang mapagtanto niya na ang kapangyarihan, antas ng buhay at katanyagan ay walang saysay kung ito ay nakamtam sa isang maling paraan. May panahon pa para alisin mo Chief Justice Corona, ang iyong “Koronang Tinik” upang makamtan mo ang kaginhawahan ng iyong puso at buhay, at upang mawala na rin ang “Koronang Tinik” sa bayan at sa Korte Suprema”.
From Kuro-Kuro Philippines, post Ang “Koronang Tinik”
© Copyright 2010-2012 Kuro-Kuro.org. All rights reserved. Disclaimer: All articles in this website are the opinions of their respective authors and not necessarily of the owner and administrators.
This post was submitted by Monsi Serrano .






At kung mangyari man ang pagkatalo ni Corona sa Impeachment, mang yayari ang di kapantay na kapangyarihan ni PNoy na hawak niya ang Congress, and Senado at ang Pinunong Mahistrado. Sino pa ang kokontra kay Pnoy kung itoy gumawa nang hakbang na pabor sa kanya o sa kanyang pamilya o kaibigan o interest? Papano kung nagustuhan niya ang situwasyon, papano kung di na muna sya bumaba? Sino ang pipigil sa kanya kung huli na? Maraming pwedeng mangyari sa ngalan nang pagbabago at pag laban sa kurapsyon. Di ba dito rin nag-umpisa si Marcos, si Khadafi, si Castro, si Mubarak, o kahit si Hitler at Lenin at Mao? Kung mangyari man ito, asan kaya itong magagaling nating tagapagtanggol ni PNoy?
wag natin kalimutan na mas mataas ang peoples power,kung magmamataas sya……
dyan kayo nag kamali… hindi niyo nakuha kung ano talaga ang layunin ni pinoy… alam nyo ilang taon lang c pinoy maging presidente. wala nang extension pa ni. charter change hindi na pinag usapan… hindi katulad ni gloria na gustong ibahin ang saligang batas para maging prime minister. c pinoy one term lang ang pag tulong nya sa bayan para maituwid ang mga pagkakamali… yon ba ang gustong maging dektador o ano pa….hindi ako katulad nang iba matalino pero alam ko ang kahinatnan nito.. pag babago at yan ay tama…..kaya kahit ano pa ang iyong sabihin… kay pinoy pa rin ako…. sori… pero i’m wiser than what you think….
hindi mo ba naisip kung ano ang nagyayari sa panahon ng amo mong c GMA. dba halos lahat ng mga cabinet members nya puro mga GENERALS, un dahil takot sya na mabulgar ang mga kabalbalan na pinaggagawa nya. icipin mo din kung sino naglagay kay corona sa suprime court dba c GMA din kahit labag sa batas. ngayon sabihin mo kung sino ang mas dictador dba c GMA dahil hawak nya sa leeg ang mga generals pati yang coronang tinik na nsa supreme court. wag din natin kalimutan ang pulo’t dulo kung bakit nangyari kay corona ito ngayon, ito’y dahil kay GMA kc sa lahat ng kaso na isinampa sa kanya dismissed pagdating sa suprime court dahil kay corona. hindi naman personalan yan ang impeachment ay paraan lang para sya matanggal sa pwesto.. simpleng tao lang ako wla akong alam sa mga techicalities sa batas pero sa simpleng paliwanag lang kaya nating maintindihan na ito’y dahil kay GMA na kumalkal ng katakot takot na kayamanan mula sa ating mga tao.
tama, tandaan natin hindi magiging si Marcos, si Hilter o sino pa man iyan dahil ang TA0 o ang Sambayanan Pa din ang mas makapangarihan dahil tayo ang naglukluk sa kanya bilang PANGUL0! My people power ! Tandaan natin yan..
Ang galing naman ng nagsulat. Tagalog. Congrats and more power. Yung pangalang Monsi Serrano pamilyar sa akin madalas kong madinig yang pangalan nya sa DZBB binabanggit nila Mike Enriquez, Joel Reyes, Orly Trinidad at Melo Del Prado.
totoo talagang history repeat itself…kelan pa kaya tayong mga pinoy matututo??? harapharapan tayong pinagluluko ng mga pulitikong yan. so what else is new? ohh politics, politics, that’s what we are now…
ang maling pagnanasa ay talagang bumubulag maging sa marurunong, matatalinong tao at dakila ito ay taliwas at kabaliktaran sa banal na aral, turo sa paaralan at simbahan sa puso ng bawat tao ang tunay na sukatan ng dalisay at malinis na kalooban dito hahatiin sa dalawang panig ang paghatol.
tama ka brod. kung nakaugat sana ang kaisipan ng kababayang pulitiko natin sa mga banal na aral ng bibliya at nakasentro ang puso at damdamin nating lahat kay Jesus, disin sana ay walang korupsiyong kakain sa hibla ng ating pamayanan/ mababawasan ang naghihirap at maikakalat ang yamang daigdig na bigay sa atin ng poong Maykapal.masarap pakinggan ang katagang “mawawala ang mga swapang at ganid sa ating lipunan.”
wag po muna natn husgahan si PNoy gumagawa lang sya ng paraan para maitama ang pagkakamali. Tama lang na magbayd ang humudas sa kaban ng BAYAN.
i don’t think pnoy will make unnecessary program if CORONA will be unseated. mas mabuti na ring mawala si Corona para diretsohan na ang pagkulong ng mga corrupt ng bayan…. para naman uunlad tayong mga pinoy…
i might be misunderstood. i am not attacking Pinoy, in fact in a way i am justifying his action by supporting the impeachment move to any suspected/anomalous public officials. i am nearing to believe that during the time of pres. Erap, he usually said ” hoodlums in robes” might have basis. its the only way we can move, clear the way, the injustices,violators of the law and that is when we can see genuine light at the end of the tunnel.
kung ang halal na opisyal o tinalaga ay normal hindi siya maglalabis sa tungkulin o kapangyarihan naitanim ng kanyang magulang ng malalim ang mga tumpak sa buhay hindi siya hahangulngul sa puntod ng kanyang ina ng pagsisisi na huli na at magbaril sa sarili, kaya buhatin ng airmen patungong Hawaii, o dumanas ng impeachment sa kabila ng kanyang matayog na kapangyarihan.
nakakaloka to..sa sobra na namang pagkapahiya ng prosecution ngayong day 33 of impeachment trial talagang tinik xa sa prosecution..
make use of all-natural lights and personalised props to provide out the character and interaction in between the partners replicas rolex . In this particular established of photographs, I really like how the softness and warmth on the all-natural mild wrapping about both of these childhood sweethearts provides household a tale of mild playfulness plus a tranquil adore that transcends terms and time. In fact, for Jasmine and Alan tag heuer fake watch , rolex fake watches replica watches for sale their tale is a single that is certainly outside of phrases since they celebrate their 11th yr alongside one another. Dealing with them was genuine joy as I witnessed their playful interaction and recognized how their appreciate could only increase from the passage of your time fake rolex watches for sale . Almost nothing is sweeter than viewing my consumers appreciate on their own and immerse by themselves inside
Please continue discussion on the forum: link