Bawal Tumawid Dito, May Tamang Tawiran po.
Isa na sa mga pinoproblema ng ating mga Traffic Management Groups ay ang proteksyon ng mga pedestrians. Pero paano naman ang nagmamaneho?
Gumagastos ang gobyerno ng milyon-milyon para magpagawa ng overpass, mga signage at pedestrian lanes. Pero may mga pasaway parin na tumatawid kahit kitang-kita na sa signage na “BAWAL TUMAWID. NAKAMAMATAY.” Ang mga overpass, signage at pedestrian lanes na yan ay hindi lang para ipakita ang malalaking letra ng “Project By: Mayor ______.” Ito rin ay nagbibigay proteksyon sa mga mamamayan para hindi madisgrasya sa pagtawid.
Kailangan din ng proteksyon ng mga nagmamaneho at hindi lang ang mga tumatawid nating mamamayan. Minsan may pagkakataon talagang hindi maiiwasan na makasagasa ka ng mga pasaway na tumatawid sa at sa highway pa ito nangyari. Sabihin nating sa Commonwealth Ave. a.k.a “Killer Highway.” Hindi solusyon ang pagbawas ng speed limit, kaya nga ito tinawag na “highway”, kasi mabibilis ang mga sasakyan na dumadaan at wala dapat natawid na tao dito.
Sa Pilipinas, kapag nakasagasa ka, automatic, talo ka. Ikaw ang gagastos sa lahat ng gastusin, kahit ang nasagasaan mo ay gusto ng magpakamatay, ang aareglo sayo ay hindi ung sinagasaan mo, kundi ang pamilya nila.
Hinuhuli naman ng mga otoridad ang ibang mga pasaway na tumatawid, depende na lang kung gaano kabigat ang ipapataw nilang parusa. Pero may mga pasaway parin na umuulit dahil kalimitan, magaan lang naman ang parusa.
Hindi naman sa pagmamalupit, pero para sa akin, isang solusyon para mabawasan ang mga pasaway na tumatawid ay: “Kapag tumawid kayo sa hindi tamang tawiran, walang pananagutan ang mga nagmamaneho.” Alam ko, imposible itong mangyari dahil sa “human rights.” pero ang pino-point out ko lang, kung ganyan sana ang batas, lahat ng tao, matatakot tumawid sa maling paraan at siguradong gagamitin nila ang overpass at pedestrian lanes.
Ingat po sa pagmamaneho at sa pagtawid.
© Copyright 2010-2012 Kuro-Kuro.org. All rights reserved. Disclaimer: All articles in this website are the opinions of their respective authors and not necessarily of the owner and administrators.
This post was submitted by JayJay.





I feel the same…. dapat talaga walang kargo ang driver kapag ang nasagasaan ay wala sa tamang tawiran!! Minsan din kasi meron mga taong ginagawa na atang raket un magpasagasa para maperahan nila un makakabangga sa kanila. Sana lang lumagay ang lahat sa tama… oo nga mahirap umakyat sa pagkataas taas na footbridge pero ang kapalit naman noon ay kaligtasan mo sana lang pagtiyagaan na!!!
music, utorrent
I think that suggestion requires further assessment of the current situation and the factors affecting the behavior of our commuters and pedestrians. Unfortunately there is a loophole in our current traffic management system as the roads are not uniformly being monitored by the Traffic Management Group. The signage and road markings are not in accordance to international standard and sad to say vary from one place to the other. There is no awareness campaigns that are supposedly be organized and initiated by this group in order for the public to know the meaning of the signage and the implication of violating it (not only the legal repercussion). This awareness can be initiated in the barangay level and even to the schools so that the culture of safety emanates from the basic and fundamental institutions of knowledge. Once this is introduced to the public,although difficult, the public starts to be familiar with it. Learning has no boundaries.The only way we can inculcate to our people is to be patiently and repeatedly teach them the right thing to do. If all the efforts are made and still people tend to deviate from what is right, then they are morally responsible to their actions. However unless we stretched our capabilities to reach out and educate them, we cannot impose harsh decisions.
Thanks for the feedback
I know that this post will never be a law and it’s against human rights
. I’m just want to express my opinion the other way around.
Marami na ring nasample-an ang mga Traffic Management Group sa mga pasaway na tumatawid, pero parang wala lang sa kanila. Ang problem kasi sa iba, pag may pulis na nakabantay, nasunod sila sa batas at signage na nakasulat, pero once na wala na si pulis, tuloy ulit sila sa pagtawid.
Some already knew these rules and fully understand it. But let’s face it, ang katwiran ng ibang tao: “Nakakapagod umakyat-baba sa overpass” or “Ang layo pa ng next pedestrian lane.”
Oh by the way, may modus din ang ibang tao na nagpapasagasa talaga para pagperahan ka due to blackmail and angry mobs. Sobrang talo talaga ang drivers dito sa Pinas. They also need protection as the pedestrians do.. Kahit ako everytime na magdrive, hindi nawawala yung kaba ko na baka may biglang tumawid.
Keep safe guys.
Ganda ng posting na to..sana mabasa ito lahat ng mga Filipino na pasaway…
Yeah thats right… We must observe the proPer signage first to all Places so e everyone can follow. And should follow the rule. Othere Places can obey those rule; why cant we..
There are no problems understanding these signage on the road.. They are simple as A B C.. Ang problem talaga ng iba ay “katamaran”.
“Bawal tumawid. Nakakamatay.” Masyado ng obvious tong signage na ito. Kahit hindi na ito gawing signage, alam naman na kapag tumawid ka sa highway tiyak na patay o baldado ka. Sa ibang bansa, walang ng ganyang signage.
They risk their lives na makipagpatintero sa mga mabibilis na sasakyan para lang hindi sila hingalin at pagpawisan sa pag-akyat-baba ng overpass or lakarin pa ng ilang metro ang pinakamalapit na pedestrian lane..
Please continue discussion on the forum: link