Ito ang Aking Kwento

Hindi ako mahilig magbahagi ng aking buhay sa ibang tao. Pero dahil sa dami ng mga taong naririnig kong patuloy na sinisisi ang gobyerno o ang kung sinu-sino pa bilang dahilan daw ng nararanasan nilang kahirapan, naisip kong isulat ang aking kwento.

Isinilang ako sa isang maliit na baryo sa Bicol, pinalaki at inalagaan ng aking lola (great grandmother, father side). Namulat sa kahirapan ng aming buhay. Naaalala ko pa ang saya-saya ko noon kapag ang ulam namin ay dahon ng kamote na inilagay sa bagong lutong kanin tapos lalagyan ng kalamansi, o di kaya’y ginataang dahon ng gabi. Pero mas madalas asin at tubig ang ulam namin, wala nga akong konsepto ng asukal eh, hindi yun uso sa amin. Kung minsan, kahit tanghaling tapat nasa gubat ako…naghahanap ng papayang hinog para may pang-ulam kami. O diba pagkain pa lang sa araw-araw hindi na matugunan.

Dahil sa kahirapang ito kinailangan kong matutunan ang lahat ng gawaing bahay, hindi lang yun, kinailangan ko rin matutunan ang mga pamamaraan upang kami ay magkaroon ng pagkain. Grade one lamang ako pero marunong na akong magsaing at magluto ng ulam gamit ang kahoy (hindi kilala ang gas stove o electric stove o rice cooker sa amin), natuto rin akong maglaba, mangahoy, magtanin ng palay, manghuli ng isda, magkatay ng naligaw na manok, at kung anu-ano pa. Noon namang grade two na ako napapadalas na ang pag-absent ko sa eskwela dahil kailangan kong magtinda ng maruya (banana cue). Minsan naman nakikisabay ako sa aming kapitbahay na nagdadala ng paninda sa tabing-dagat. Alas tres pa lang ng umaga naglalakad na kami ng tatlong kilometro para magtinda sa tabing dagat. Sa mga ganitong pagkakataon ako nakakatikim ng isda kasi madalas pinapalit na lang ng isda yung tinda ko. Syempre dahil madalas nga na wala kaming ulam pumapayag na ako, bahala na kahit mapagalitan pa ako ng aking lola ang mahalaga may ulam kaming isda.

Noong grade five na ako sinimulan kong magtrabaho para sa sarili ko. Pumasok akong dishwasher sa isang tindahan na malapit sa pinapasukan kong paaralan. Nagsasawa na kasi ako sa araw-araw na baon namin, kung hindi tuyo malamang ginataang dahon ng gabi, minsan pag sinuswerte pritong malilit na galunggong. At least nung nagtatrabaho na ako as dishwasher nakakatikim ako ng meatballs, adobo, sopas, at nilagang karne ng baka…o diba?

Nang makapagtapos ako ng elementarya kinuha ako ng aking lola (father side). Nagtatrabaho sya nun bilang isang katulong, ang swerte ko kasi ang bait ng amo ng lola ko pinayagan nila akong tumira sa bahay nila. Yun nga lang binawasan pa ang maliit na sweldo ng lola ko at kinailangan ko ring tumulong sa mga gawain, in short katulong din ako pero pag wala lang pasok. Ang sarap pala mabuhay kasama ng mayayaman, doon natikman ko ang mga pagkain na sa simula’y hindi ko kilala tulad ng hotdog, ham, bacon, arroz de valenciana, chiffon cake, pili rolls, siopao, at marami pang iba. Doon din ako natutong gumamit ng rice cooker, washing machine, aircon, gas stove, blender, electric fan, oven toaster, at microwave oven. Bongga di ba? Kahit sa panaginip hindi ko naisip na meron palang mga ganung bagay sa mundo. Doon din ako first time nakasakay sa van at kotse, samantalang nung nasa baryo pa ako halos magtatalon ako sa tuwa kapag dumarating na yung nag-iisang jeep na bumibyahe sa amin. At take note, isang beses sa isang linggo lang ako nakakasakay ng jeep kaya naman gustong-gusto ko lagi dumarating ang araw ng linggo.

Nakapagtapos ako ng high school na may karangalan sa tulong ng scholarship na ibinigay ng school namin at yung mga tulong din ng amo ng lola ko. Sa mga panahon lang na ito nagparamdam ang mga magulang ko na matagal na palang naninirahan sa Maynila. Kinuha nila ako at pinag-aral sa isang unibersidad, kaya lang sa sobrang layo hindi ko kinaya. Pagkatapos ng isang taon nag-transfer ako sa isa pang unibersidad at yun, dun ko sinimulan ang pagbuo ng aking mga pangarap. Dahil nga mahirap lang kami naghanap ako ng mga pamamaraan kung paano ako makapagtatapos ng pag-aaral. Halos lahat yata ng scholarship na pupwede in-apply-an ko, at bingo! Natanggap ako hindi lang sa isa kung hindi tatlo pang scholarship programs, pero may rules ang unibersidad na dapat dalawa lang ang piliin ko, isang public (bigay ng unibersidad mismo) at isang private (mula sa isang mambabatas). Ang swerte ko talaga bawas na nga ng 75% yung tuition fee ko may natatanggap pa akong 20,000/sem. Pero dahil kapos na kapos kami sa buhay, yung natatanggap kong pera nagiging panggastos ng buong pamilya. Wala kasing permanenteng trabaho ang tatay ko at ang nanay ko naman wala pa sa minimum ang sweldo. Tapos tatlo kaming magkakapatid na sabay-sabay nag-aaral.

Habang nasa kolehiyo ang dami ko rin napasukang trabaho. Naging Student Assistant ako for three years, rumaket sa isang TV station bilang transcriber at video researcher, naging extra sa ilang shows. Kahit ang pagiging Registration Assistant pinasok ko rin, walang sweldo pero libre naman ang pagkain namin sa loob ng halos dalawang linggong enrollment period. Naging madiskarte rin ako pagdating sa mga pangangailangan sa school. Lahat na yata ng mga kaklase ko nahiraman ko na ng laptop, video camera, digital camera, at tripod para lang makagawa ako ng mga projects namin. At makalipas ang apat na taon, hayun nakapagtapos ako sa kursong Broadcast Communication ng may karangalan. Akalain nyo yun nakapagtapos ako?

Sa ngayon nagtatrabaho ako sa isang private organization, hindi ganun kataas ang sweldo pero above minimum naman. At hindi lang yun sobrang bait ng mga boss ko. Ang dami kong natutunan hindi lamang kung paano makisalamuha sa mga nasa kapangyarihan kung hindi kung paano gawin ang mga bagay-bagay ng may pagmamahal. Kasalukuyan rin akong kumukuha ng Master of Arts sa unibersidad na aking pinagtapusan. At buong yabang kong sasabihin, “makapagtatapos ako at matutupad ko ang magandang buhay na pinangarap ko!”

Sana may napulot kayong aral o kung ano pa man sa aking kwento. Gusto kong sabihin na hindi makatutulong kung patuloy nating isisisi sa iba ang kahirapan natin, gumawa tayo ng paraan. Mangarap. Magsikap. Magpursige. Darating ang panahon na makakamit natin ang hinahangad na tagumpay.

by sprinklehershey, originally published at www. kuro-kuro.org


From Kuro-Kuro Philippines, post Ito ang Aking Kwento

© Copyright 2010-2012 Kuro-Kuro.org. All rights reserved. Disclaimer: All articles in this website are the opinions of their respective authors and not necessarily of the owner and administrators.

This post was submitted by sprinklehershey.

Related posts:

History Repeats Itself
RH Bill and The Tragedy of the Commons
Madame Miriam, I Salute Thee!

Comments

comments

12 Responses to Ito ang Aking Kwento

  1. metalbeebop on June 22, 2011 at 9:08 am

    Nagustuhan ko ang kwento mo dahil sa lalo kong nabigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay na meron na ako: pera, pinag-aralan, masasarap na pagkain sa ref, maayos na tahanan, mga kaibigan. Naisip ko nga tuloy, wala na akong dahilan para hindi pa magtagumpay sa buhay na ito. At sigurado akong marami sa atin ay may buhay na kagaya ko, na ang ating magandang kinabukasan ay nasa atin nang mga kamay na. Pagkilos na lang natin ang hinihintay.

  2. Gamila Tarek on June 24, 2011 at 9:29 am

    Neng ang haba ng pangalan mo ….pero mag kagayon man….kabayan…..saludo ako sa goal mo sa buhay……yaan ang sinasabing “if there’s a will there’s a way” .I”m proud of you kabayan.

  3. Merlyza Castillo Fababier on June 28, 2011 at 10:16 pm

    Saludo ako sa kwento ng buhay mo. Nanggaling din ako sa kahirapan at sa ngayon ay may asawa na at dalawang anak. Hindi pa rin ako nakakapagtapos ng pag aaral at ang mga kagaya ng kwento mo ang nakakapagpatibay ng loob ko na balang araw ay makakamit ko din ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi pa ko nawawalan ng Pag-asa na makamit yun, hindi man ngayon siguro sa darating pang panahon. Sana sa mga makakabasa nito lalo na ang mga kabataan ngayon ay maging inspirasyon ang buhay mo upang mapag-isip nila ang kahalagahan ng EDUKASYON.

  4. carmelo abad on June 28, 2011 at 10:16 pm

    inspiring ang kwento mo. sana lahat tayo ay may determinasyon ng gaya mo. hindi puro nalang sisi sa mga nangyayari sa bayan natin. god bless…

  5. noypi_07 on June 28, 2011 at 10:37 pm

    sa tulad ko, tipikal lang ang naging buhay mo, marami akong kaibigan at kakilala na ganyan din ang pinagdaanan, mabuti ka pa nga high school ka pa lang ng mamulat sa kabihasnan, kaming magkakapatid eh nung nagcollege na.

    pero napakagandang malaman ng iba nating kababayan na maraming mga taong tulad mo ang nagmula sa kahirapan at nagsikap, nagpakita ng sariling kakayanan para kayanin ang unos ng buhay, at least malaman ng mga reklamador sa buhay na napakaraming taong mas naging hikahos kumpara sa kanila.

  6. liliana mou on June 28, 2011 at 10:51 pm

    inspiring……..

  7. Rey on June 28, 2011 at 11:13 pm

    Hindi Malayo ang tagumpay sa Author..mararamdamn mo tlga ang positibong pananaw sa buhay sa knyang mga karanasan..walng pagsisisi walang sinisi..kahit na yata ng amga magulang na pansamantala syang naipamigay..i know there is some issues na hindi n nya nbanggit but..dahil cguro mas gs2 nyang ipoint out ang values ng self reliant at procativity sa pagaharap sa mga libo libong hdalang upang makamit ang Tagumapay…congratulations

  8. Nancy I. Ibay on June 29, 2011 at 12:02 am

    ikaw ang tunay na dapat tularan, mabuhay ka, totoo ang sinabi mo na tayo ang dapat gumawa nang paraan para mabago ang ating pamumuhay too bad some depend on others, I salute you for the sacrifices you have done and it’s proven by your diligence and perseverance that nothing is impossible if we only try hard

  9. cherilen tambor on June 30, 2011 at 6:17 am

    Gusto ko ang kwento mo, hindi dapat na sisihin natin ang gobyerno dahil sa kahirapan, kailangan na magsumikap naman yong iba, mag trabaho sila, pra makabili ng pagkain pra sa pamilya… hindi yong hinge ng hinge… palagi nlang ganon

  10. galo on December 10, 2011 at 6:18 am

    Inspiring! Good on You! Thats the Spirit! Hindi katulad ng iba, walang pagpapahalaga sa pawis ng iba.

  11. Jared11 on December 7, 2012 at 2:45 am

    kids party wear dresses kids party wear dresses eighty five centimeters. The ball is manufactured of gentle elastic cheap wedding dresses cheap wedding dresses . plus size mother bride dresses plus size mother bride dresses The ball is crammed with air. The Exercising Ball has many names, junior party dresses junior party dresses encompassing the soundness ball along with the Swiss Ball. The Training Ball continues to be employed for stability, gymnastics, palates, balance and yoga flower dress for girls flower dress for girls . The Swiss Ball has numerous utilisations in your health and fitness instruction. You could possibly drop body weight with these physical exercises. What exactly are The advantages To Utilizing the Training Ball? The Workout Ball has a lot of added benefits in your health and fitness teaching mother of brides dress mother of brides dress , they have got:one. The human body responds towards the instability on the ball, engaging several much more muscle tissue. The muscular tissues grow to be tougher after some time, two.

  12. Jared11 on March 29, 2013 at 12:10 pm

    replicawatches Did you employ a honeymoon registry? How did you choose on it?The place are you currently honeymooning?
    When you could have noticed on our, we just opened our initial LA retail retailer in Studio Town! To not confuse you with our two outlet merchants in Burbank replica watch replica jaeger lecoultre watch . This new boutique shop will attribute new and better stop products, and we’re stocked! So to celebrate this particular milestone, we’ve been possessing a grand opening celebration about the weekend of Oct 8-10. Then fake watch , on Oct eighteen imitation rolex watches , Monday from 12pm to 2pm, Judith Miller is going to be debuting her new guide using a e book signing in the new shop! Judith Miller seems frequently on BBC s Antiques Roadshow and co-hosts the preferred BBC Television collection Your home Detectives, and it has also appeared to the Martha Stewart Exhibit and CNN

    Please continue discussion on the forum: link

Leave a Reply

Search

Kuro-Kuro Community

Magturuan na Lang Tayo

May 7, 2013
By abadziegfred
(Photo Credit:    Mediabistro)

It’s about damn time para ilabas na natin ang katoto…nahan..este, ang katotohanan. Ilang araw na lang maghahalal na naman ang mga tao ng bagong “lider” ng ating lipunan. Panibagong eleksyon, lumang mga mukha at apelyido. Ano pa nga ba ang silbi ng eleksyon? May magagawa pa nga ba ang...
Read more »

More Jobs Please!

April 27, 2013
By pinoy politics
(Photo credit: Aia-arizona.org)

With the recent turn of events and thrusts of different countries about giving priority to employing their own people instead of hiring foreigners make sense to me. Saudi has already embarked on the “Saudization”, the national policy of Saudi Arabia to encourage employment of Saudi nationals in the private...
Read more »

Problema at Solusyon

April 22, 2013
By
(Photo Credit: Polarity-consulting.net)

Mula sa pangangalaga ng kalusugan, pagkain, pabahay, seguridad, adiksyon sa droga, kahirapan at korapsyon, masasabi kong may iisang problema ang mamamayang naghahangad ng solusyon at ito’y walang iba kundi ang mas malawak na suliraning pang-edukasyon; kumbaga, one shot hits all at umaasa akong magkakaroon ito ng domino effect sa...
Read more »

Politics & Government - Top Blogs Philippines

[ bbPress synchronization by bobrik ]